Nag-Aalab Lyrics by Musikatha. A Tagalog Christian song from the album Harana Sa Hari.
Verse:
Puso'y basang kahoy
Na tila kay lamig
Nang madarang sa ningas
Ng 'yong pag-ibig
Unti-unting natuyo
Ang bawat pagtanggi
Nang matupok lahat kong pagmamalaki
Pre-Chorus:
Mukha mo't kabutihan
Ay aking nagisnan
Tiwala ko't pag-ibig
Sa'yo ay laan
Chorus:
Nag-aalab, pag-ibig mo sakin O Diyos
Tanglaw sa gabing mapanglaw
Apoy sa dilim at ginaw
Nag-aalab, pag-ibig mo sakin O Diyos
Biyaya mo'y laging lubos
Araw na di nauupos
Panghahawakan ko, nag-aalab na pag-ibig mo...
Nag-Aalab Lyrics by Musikatha
Reviewed by Filipino Christian Music Site
on
6:00 PM
Rating:

No comments: