How to Fight the Good Fight of Faith?

fight the good fight of faith

Sa buhay Kristiyano, may mga laban tayong haharapin, mga laban na hindi napagtatagumpayan gamit ang sarili lang nating lakas. Ang mga tunay na mananampalataya ay makararanas ng laban na ito. Isang espritwal na laban, na kapag hindi ka handa at hindi mo alam kung paano ka lalaban, siguradong matatalo ka.

Ayon sa isang survey na ang layunin ay malaman kung bakit nagbibitiw o sumusuko ang isang mananampalataya na tumayong Pastor sa isang iglesya, 19% ng sumagot ay nagsabing ito ay dahil sa burn-out sa ministeryo.  Posible ba na maburn-out o hindi talaga kayanin ang bigat ng tungkulin ng isang Pastor? Ang Dios ba ang may pagkukulang dito o ang mismong mananampalataya?

Isa sa ating dapat na malaman ay hindi susubukin ang isang mananampalataya ng higit sa kanyang makakaya. Ang Dios mismo ang magbibigay ng lakas at tapang para mapagtagumpayan ito. Magtatagumpay tayo sa ating spiritual battle kapag nakatuon ating isipan sa Dios, sa Kanyang kapangyarihan, at sa lahat ng kaya Niyang gawin para maihatid ka sa pagtatagumpay.

We fail and we lose kapag sa problema, sa stress, or sa pressure ng laban nakatuon ang ating isipan. Gaya ni Elias na Propeta ng ating Dios. Naging matagumpay siya sa laban niya sa daan-daang propeta ni baal. Ngunit noong magkaroon ng banta sa buhay niya, siya ay natakot, nagtatakbo, at hiniling pa sa Dios na siya ay mamatay na. Ito ang isang halimbawa na kapag ang isipan mo ay nakatuon sa negatibong sitwasyon at hinayaan mong maapektuhan ka nito, hindi mo magagawa ng may tapang at lakas ang ipinagkatiwalang ministeryo ng Dios sa iyo.

Maging tulad tayo ni Jesus , na isang gabi bago siya dakpin at hatulan ay nahirapan na magdesisyon kung itutuloy ba Niyang isakatuparan ang kalooban ng Dios Ama na kanyang iaalay ang kanyang buhay bilang pangtubos sa kasalanan ng tao. Sa halip na maapektuhan ng negatibong kaisipan na ito, Siya ay maningas na nanalangin at nagpatuloy na gawin ang kalooban ng Dios Ama.

How to have a good fight of our faith? Paano ka magtatagumpay sa mga spiritual battles and struggles mo?

Una, pray like Jesus, Jesus prayed hard before his arrest. Ito ang tumulong sa Kanya na piliing gawin at ipagpatuloy ang kalooban ng Dios Ama, sa halip na ang nais niya. Whenever you go through battles spiritually, maningas kang manalangin. Habang humihirap at bumibigat ang labang espritwal, lalo dapat tumitindi at nagiging masigasig sa pananalangin. It will give you peace and confidence in the midst of every battle.

Pangalawa, think like Jesus, instead of being paralyzed by fear and failures, tulad ni Jesus, huwag mong hayaan ang takot, kawalan ng tapang, at pagdududa na mahadlangan kang ipagpatuloy ang gawain na iniatang ng Dios sa iyo. Hindi ka binigyan ng Dios ng espritu ng katakutan, kundi ng pagibig at kahusayan.

Si Jesus ay nagtagumpay sa Kanyang laban, at dahil Siya ay nasasaiyo at nananahan sa iyo, ang pagtatagumpay sa bawat espritwal mong laban ay posible at siguradong magagawa mo. Huwag mong isipin na hindi mo kaya, na suko ka na, na aayaw ka na. Tandaan mong lagi na hindi talunan ang Panginoong Jesus na nasasaiyo. Siya ay nagtagumpay sa lahat, dinaig Niya ang sanglibutan, at siguradong kaya mo rin na pagtagumpayan ang sarili mong laban.

Ikatlo, find rest in Christ, we often seek advice from people with the same experiences or issues like us, mga taong minsan sa kanilang buhay ay naranasan na rin ang nararanasan nating struggles or laban spiritually. Imagine yourself in a basketball game. Kapag matatalo na o lamang ang iskor ng kalaban, tumatawag ng timeout ang isang player. They rest and reorganize their plans and most importantly they talk to the coach.

The same is applicable sa ating laban spiritually. Napapagod tayong maglingkod, nawawalan ng gana na lumago, at minsan parang gusto na lang na ibigay ang panalo sa kalaban. Pero just like Jesus, tumawag ka ng timeout at magpahinga ng sandali, at ang pinakamahalaga kausapin mo ang coach mo, si Jesus ang ating spiritual life coach. He can sympathize with us at matutulungan ka Niya dahil Siya ay nagkatawang tao at naranasan rin ang lahat ng espiritwal na laban na ating pinagdaanan bilang tao.

Let your fight be a good fight of faith, huwag kang matakot, magtiwala ka sa Diyos, sa ating Panginoong Jesus. Hindi ka Niya iiwan at pababayaan ka Niya. Sigurado akong ang pagtulong Niya, habag, at ang kanyang biyaya ay naguumapaw na ibubuhos sa iyo at magiging matagumpay ka.

Ano ang mga spiritual battle na kinakaharap mo sa iyong buhay Kristiyano ngayon? Paano mo ito hinaharap?


How to Fight the Good Fight of Faith? How to Fight the Good Fight of Faith? Reviewed by Filipino Christian Music Site on 1:36 PM Rating: 5

No comments:

Ad Home

Powered by Blogger.