What's good in failing? Why failure is important? Paano mo ito hinaharap? Ikaw ba ay kabilang sa mga tao na positibo kung harapin ito o kabilang ka sa mga negatibong tao na na-dodown ng mabilis at sumusuko agad?
Rick Warrren wrote something in his book "The Purpose Driven Life" and sabi niya, "Everything we do is done poorly when we first start doing it and that's how we learn." Isa ito sa mga pinaka-naaalala ko at tumatak talaga sa isipan ko mula sa aklat na yun hanggang sa ngayon. Reality check, totoo naman yung sinabi niya about first time experiences or in short, failures. Lahat ng bagay na ginagawa natin, kapag unang beses natin ginawa, hindi natin nagagawa ng maganda or mabuti.
First time job interviews are not great, at marami pang ibang first time experiences na karaniwang ang dulo ay laging pagkatalo o pagkabigo. Minsan nakakatuwang alalahanin, pero minsan gusto mo na lang ibaon sa limot kasi sobrang epic fail yung experience. Ganyan ang halos lahat ng first time experiences sa isang bagay, tao, sitwasyon, at lugar. Hindi maganda, mali, palpak, at negative ang karaniwan na nagiging resulta.
<!-- adsense -->
<!-- adsense -->
So, uulitin ko, what's good in failing?
The good thing about these failures or epic fails is that it provides a great learning experience. Sa bawat pagkakamali natin natututo ng natututo ng natututo tayo. Si Thomas Edison while working on an invention that we call now as the "light bulb." Hindi siya nag-failed lang ng once, twice, or thrice. He was actually a failure of a thousand times before he successfully invented the light bulb. Noong siya ay nagtagumpay na, finally, he says, "I have not failed (pertaining to the light bulb invention). I've just found a thousand ways that won't work." Thomas Edison failed a thousand times before the success of inventing the light bulb comes. Grabe siya 'no?
Grabe yung perseverance and optimism niya. Sa bawat pagkakamali niya ang nasa isip niya palagi ay ito, "there's a way to do it better and he'll find it." Maraming katulad niya na naging successful by learning from their failures at pwede rin yan na mangyari sa buhay mo, but of course, it will all depend on you.
Yung mga failures kasi in life ay maaaring mag-discourage sa iyo. When you are discourage, it affects your mind and the way you do things in a negative way and that's not good. You may loose your self-esteem because of your failures, but no matter what or how you feel, stand up and never give up. Psalms 30:5b says, "Weeping may last through the night, but joy comes with the morning."
Joseph "The Dreamer" can consider himself a failure as well sa daming ng trahedya na pinagdaanan niya. Mula ng ipagbili siya ng mga kapatid niya at naging alipin siya, hanggang sa nakulong siya ng matagal na panahon dahil naman sa kasalanan na hindi niya ginawa.
Mahigit sampung taon ng napakaraming experiences ng kabiguan ang pinagdaanan niya. With everything happening against his life parang wala ng pag-asa kasi puro failures. But he chose the good thing, something na sa tingin ko ay dapat mong gawin kung feeling mo ay isa ka ng talunan at wala ng pag-asa sa buhay.
Pinili ni Joseph na manatili sa Dios na kanyang pinaglilingkuran. Nanatili siyang naglilingkod at nagtitiwala sa Dios sa panahon ng kanyang pagkabigo at paghihirap. Tumagal man ng matagal na panahon at bumilang ng maraming taon ang paghihirap niya, siya ay patuloy na nagtiwala at naging tapat sa Dios.
Nagbunga ang pagtitiwala ni Joseph sa Dios. Sa kanyang pagtititis at pagiging matapat sa Dios, unti-unti siyang itinaas ng Dios at binigyan ng kasaganaan at kaayusan ng buhay, naging Governor pa ng Egypt ang dating alipin, houseboy, at preso sa kulungan.
Isa ito sa mga success stories sa Bible and to turn your failures into success you should let God do the work and wait for His perfect timing ng pagpapala Niya sa iyo. It may take weeks, months, or years, but always put your trust in God while serving Him faithfully, for He knows when to give and what to give you. Umasa ka lagi sa Kanya, gaya ng ginawa ni Joseph.
Failures are good dahil kapag hinarap mo ito ng tama ay nagkakaroon ng mas malaking puwang ang Panginoong Jesus sa buhay mo at mas nakakakilos Siya ng mabuti dahil mahina ka. Kung kailan ka mahina ay doon ka lalakas, sabi nga ni Paul.
Maging tulad ka ni Joseph, marami pang ibang tao na tulad niya. Marami man ang kabiguan, matagal man masilip ang tagumpay, dapat nagpapatuloy kahit nabibigo. At hindi lang basta nagpapatuloy, nagpapatuloy na tapat at ang tiwala at pag-asa sa Panginoon ay nag-aalab at hindi nanghihina. Christ will turn your failures into success. Have faith, trust, and hope in Him.
Lagi mong tatandaan na kapag nabibigo, kay Cristo lagi ang tungo!
"The steps of a good man are ordered by the Lord: and he delighteth in his way. Though he fall, he shall not be utterly cast down: for the Lord upholdeth him with his hand." Psalm 37:23-24
Naranasan mo na bang mabigo? How do you managed yourself when you are failing?
#EpicFail: What's Good in Failing?
Reviewed by Filipino Christian Music Site
on
10:14 AM
Rating:
Failures are sometimes used by God to test our faith. Giving up is not an option, trusting God is.
ReplyDelete